Ousted CJ Maria Lourdes Sereno, mangangaral ukol sa hustisya

By Jan Escosio May 11, 2018 - 09:09 PM

Itinuturing ngayon ni Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang sarili bilang biktima ng kawalan ng hustisya.

Ito ay matapos na mapatalsik siya sa puwesto ng mga kapwa mahistrado sa botong 8-6 sa isang special en banc session.

Bunga nito, sinabi ni Sereno na kung pagbibigyan ng pagkakataon ay mangangaral siya sa buong bansa ukol sa hustisya.

Aniya igigiit niya ang pakikipaglaban para sa hustisya at sesentro ang kanyang pagsasalita sa tanong na ano ang hustisya at ang kakulangan nito sa bansa.

Iginiit niya na hihimukin niya ang lahat na nangangailangan ng hustisya na magsalita at ibahagi ang kanilang karanasan sa paghahanap nila ng katarungan.

Pagdidiin nito hindi dapat ang ang mga pulitiko ang nagdidikta sa mga dapat mangyari kundi ang dapat na umiiral ay ang batas.

TAGS: Maria Lourdes Sereno, Maria Lourdes Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.