Korte Suprema, ginawa ang mandato nito sa desisyon sa quo warranto – Panelo

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 03:45 PM

Muling nanindigan ang Malacañang na maaaring mapatalsik sa pwesto ang mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng quo warranto.

Ipinahayag ni Chief Presidential Counsel Salvador Panelo na patunay rito ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Sinabi ni Panelo na dapat na tanggapin ng lahat sa desisyon ng Kataastaasang Hukuman pabor man o hindi sa naging desisyon nito. Aniya, ginawa lamang ng hudikatura ang mandato nito sa Saligang Batas.

Ipinaliwanag ni Panelo na dalawa ang legal na hakbang para paalisin sa pwesto ang mga publikong opisyal: ang impeachment at ang quo warranto.

Aniya, quo warranto petition at hindi impeachment ang dapat na gawin kapag nadiskubre na hindi kwalipikado ang isang opisyal matapos siyang italaga sa posisyon.

Ayon kay Panelo, ito ang sitwasyon ni Sereno na bigong isumite sa Judicial and Bar Council ang lahat ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ng kanyang panunungkulan sa public office na requirement sa aplikante sa posisyon.

 

TAGS: impeachment, Malacañang, panelo, quo warranto, Sereno, Supreme Court, impeachment, Malacañang, panelo, quo warranto, Sereno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.