Malacañang, binati ang bagong Prime Minister ng Malaysia

By Rohanisa Abbas May 11, 2018 - 10:15 AM

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa muling pagkakahalal kay Mahathir Mohamad bilang prime minister ng Malaysia.

Ipinahayag ni Presidential spokesman Harry Roque na kumpyansa ang Pilipinas na mapabubuti pa nito ang malalim na relasyon sa Malaysia.

Sinabi ni Roque na matagal nang kaibigan ng Pilipinas si Mohamad. Aniya, naging kapatid din at maasahang kasosyo ng bansa ang Malaysia sa paghahatid ng kapayapaan at katatagan sa Mindanao.

Una nang nanungkulan si Mohamad bilang prime minister ng Malaysia nang 22 taon hanggang noong 2003. Nagbabalik ngayon sa posisyon ang 92 taong gulang matapos talunin si Najib Razak ng National Front.

 

TAGS: mahathir mohamad, Malacañang, Malaysia, Mindanao, Pilipinas, Prime Minister, mahathir mohamad, Malacañang, Malaysia, Mindanao, Pilipinas, Prime Minister

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.