Babaeng pulis at kinakasama, patay sa pananambang sa Zamboanga City
Patay ang isang babaeng pulis at sugatan ang kaniyang live in partner makaraan silang tambangan sa labas ng kanilang tahanan Huwebes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si PO2 Rozalie Macapili na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang kinakasama ng biktima na kinilalang si Lynet Tuballa.
Ayon kay Senior Supt. Alan Nazaro, officer-in-charge ng Zamboanga City Police Office, lumabas ang dalawa para tignan kung sino ang nambato sa bubong ng kanilang bahay sa Barangay Baliwasan.
Gayunman, paglabas nila ng gate agad silang pinagbabaril ng isang lalaki na mabilis na tumakas.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.