Pinangunahan ni U.S President Donald Trump ang pagsalubong sa tatlong American detainees na pinalaya mula sa North Korea.
Kasama ni Trump sa pagsalubong sa mga dating bihag si Secretary of State Mike Pompeo at si U.S First Lady Melania Trump.
Kabilang sa mga pinalaya mula sa ilang buwang pagkakabihag sina Kim Dong Chul, Kim Hak-song at Kim Sang Duk.
Isinabay ang pagpapalaya sa tatlo sa ginawang pagbisita sa North Korea ni Pompeo bilang bahagi ng pag-uusap para sa gaganaping pulong nina Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un.
Sinabi ni Trump na magandang simulain ang pagpapalaya sa mga bihag bilang pagpapakita na seryoso ang lider ng North Korea sa pagsusulong ng kapayapaan sa buong Korean Peninsula.
“Frankly we didn’t think this was going to happen … it’s a very important thing to all of us to be able to get these three great people out,” ayon pa kay Trump.
Makaraan ang pagsalubong sa Andrews Air Force Base ay kaagad na idineretso ang mga pinalayang bihag sa Walter Reed Medical Center para sa medical evaluation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.