Hirit ni Napoles na mailagay sa Witness Protection Program ibinasura ng Sandiganbayan
Ibinasura na rin ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang mosyon ni Janet Lim Napoles na mailipat siya sa custody ng Witness Protection Program ng Department of Justice.
Sa desisyon ng 3rd division ng anti-graft court, hindi pinagbigyan ng ang hiling ng tinaguriang Pork Barrel Queen na ilipat siya sa kustodiya ng WPP-DOJ, dahil sa kawalan ng merito.
Sa May 26 nakatakdang matatapos ang pagsasailalim kay Napoles o provisional admission sa WPP.
Noong February 27, 2018 nang ma-admit si Napoles sa WPP matapos siyang maghain ng affidavit ukol sa mga nalalaman niya sa Pork Barrel Scam na kinasasangkutan ng ilang mga dating senador at kongresista.
Si Napoles ay nananatiling naka-detine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Nauna nang ibinasura ng 1st and 5th Division ng Sandiganbayan ang motion for transfer ni Napoles, mula sa BJMP tungo sa WPP-DOJ.
Ayon kay Napoles, ang hiling niya ay bunsod daw ng naranasan niyang harrassment at intimidation habang nasa kustodiya ng BJMP.
Pero batay sa korte, bigong mabanggit ni Napoles na may banta sa kanyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.