Mga bilanggo ipinagtanggol ng Human Rights Watch sa kamay ni Dela Rosa

By Den Macaranas May 10, 2018 - 03:37 PM

Inquirer file photo

Hindi pa man nag-iinit sa upuan sa kanyang bagong posisyon sa Bureau of Correction ay kaagad nakatanggap ng mga batikos si BuCor Director Ronald Dela Rosa.

Hindi ng Human Rights Watch (HRW) na hindi tama na pagbantaan ni Dela Rosa ang mga high profilce inmates sa bilibid.

Sinabi ni HRW Asia Deputy Director Philem Kine na hindi tama na ipagyabang ng opisyal ang kanyang killer instinct sa harap ng mga bilanggo.

Nauna na ring pinuna ng grupo si Dela Rosa noong siya pa ang pinuno ng PNP pati na rin ang war on drugs ng pamahalaan.

Magugunitang sa kanyangunang araw sa BuCor ay kinausap ni Dela Rosa ang ilang mga drug lords at sinabi nito na siya lamang ang siga sa loob ng bilibid.

Hinamon rin ni Dela Rosa ang kanyang mga bagong tauhan na dapat ay maging mapatapang at handang pumatay para sa pagpapatupad ng disiplina sa loob ng New Blibid Prisons sa Muntinlupa City.

TAGS: bucor, dela rosa, ejk, human rights watch, PNP, bucor, dela rosa, ejk, human rights watch, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.