AWOL na pulis arestado sa drug buy-bust operation sa Occidental Mindoro

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 10, 2018 - 10:35 AM

Naaresto ang isang pulis sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro.

Si PO3 Armando Viana Jr., 30 anyos ay una nang nag-AWOL makaraang bumagsak sa isinagawang drug test.

Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, information officer ng MIMAROPA Police, nadakip si Viana, alas 11:45 ng gabi ng Miyerkules (May 9) sa ikinasang buy-bust operation sa loon ng isang subdivision sa Barangay Pag-asa.

Kabilang din sa nadakip ang hinihinalang drug pusher na si Desiree Acong, 28 anyos na residente naman ng Malabon City.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sinabi ni Tolentino na nagsimulang mag-AWOL si Viana noong April 16 makaraang lumabas na positibo siya sa isinagawang random drug rest.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: arrested, AWOL, buy bust operation, Occidental Mindoro, police, arrested, AWOL, buy bust operation, Occidental Mindoro, police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.