Biyahe ng eroplano na-delay ng tatlong oras dahil sa bomb joke ng isang pari

By Jan Escosio May 10, 2018 - 10:18 AM

Mahigit tatlong oras na naperwisyo ang mga pasahero ng isang eroplano bunsod ng pagbanggit ng salitang “bomba” ng isang pari sa Dumaguete City kahapon.

Sa impormasyon mula kay Chief Supt. Dionard Carlos, director ng PNP – Aviation Security Group, sinabi nito na alas-11 ng tanghali na nakasakay na ang mga pasahero sa eroplano nang banggitin ng hindi na kinilalang pari ang salitang bomba.

Nabatid na inaasikaso ng flight attendant ng hindi na rin binanggit na airline company ang mga pasahero ng mapansin nito ang bagahe na nasa walkway.

Pinakiusapan ng flight attendant ang pari kung maaring ilagay na lang sa overhead compartment ang kanyang bagahe.

Dito ay nakiusap ang pari na huwag nang ilipat ang kanyang dala dahil wala naman itong bomba.

Agad nang inalerto ng flight attendang ang piloto na mabilis na humingi ng clearance sa control tower para pababain ang mga pasahero.

Kasunod nito ay nagsagawa na ng panelling ang Bomb Disposal Unit sa buong eroplano.

Pasado alas -3 na ng tanghali nang matuloy ang biyahe ng eroplano.

Ayon kay Carlos agad na rin pinakawalan ang pari dahil hindi naman na nagreklamo ang airline company.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bomb joke, Dumaguete City, bomb joke, Dumaguete City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.