92 anyos na si Mahathir Mohamad wagi sa katatapos lang na eleksyon sa Malaysia
Nagwagi ang pambato ng oposisyon na si Mahathir Mohamad sa katatapos na general election na isinagawa sa Malaysia.
Mangangahulugan ito ng pagbabalik ng 92 anyos na si Mahathir sa pwesto bilang Malaysian Prime Minister na kaniyang inokupahan na noon sa loob ng 22 taon.
Tinalo ni Mahathir ang pambato ng ruling coalition na si Najib Razak.
Sa official result na inilabas alas 4:08 ng madaling araw, ang koalisyon ni Mahathir na “Pakatan Harapan” o Alliance of Hope sa ingles ay nakakuha ng 112 na pwesto sa parliament. 79 naman ang nakuhang pwesto ng koalisyon ni Razak na “Barisan Nasional”.
Ngayong araw inaasahang manunumpa sa pwesto si Mahathir bilang prime minister ng bansa.
Sa kaniyang pangangampanya, nangako si Mahathir na maglalatag ng royal pardon para kay Anwar Ibrahim at sa sandaling makalaya na ito ay bababa siya sa pwesto at hahayaang mamuno si Anwar sa Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.