Robredo hindi isinasantabi ang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto

By Inquirer.net, Justinne Punsalang May 10, 2018 - 04:42 AM

AP Photo

“Parati siyang posible.”

Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo nang tanungin tungkol sa isyu ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Sa panayam ng Inquirer sa bise presidente sa Bacolod ay sinabi nito na kasunod ng nangyayari kay Senadora Leila de Lima at Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay hindi niya isinasantabi ang posibilidad na matanggal siya sa pagiging ikalawang pangulo ng bansa.

Aniya, noong nakaraang taon lamang ay mayroon nang nakahain na impeachment complaint laban sa kanya sa Kongreso. Ngunit dahil wala pang nag-sponsor nito ay hindi pa natuloy ang kaso.

Ani Robredo, ipagpapatuloy lamang niya ang pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa mga isyu na nakikitaan niya ng mali, at pagsuporta sa mga bagay na mahalaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.