Comelec sa mga botante: ‘Do not draw on the ballots’

By Rhommel Balasbas May 10, 2018 - 04:30 AM

May paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante partikular sa mga kabataan para sa Barangay at SK elections sa May 14 tungkol sa mga gagamiting balota.

Hinimok ni Comelec Spokesman James Jimenez ang publiko na huwag markahan ng mga emojis, puso, hashtag o ng kahit anong drawing ang mga balota.

Anya, ang naturang insidente ay maaaring magdulot upang maging ‘invalid’ ang kanilang mga boto.

“We’re advising young voters not to mark ballots in any way, like hashtags, smiley face, hearts. Please avoid it because your ballots may be invalidated,” ani Jimenez.

Ayon sa opisyal, maaaring maging hadlang ang mga marka sa balota upang mabasa ng tama ng Board of Election Tellers (BETs) ang mga pangalan ng mga kandidato.

Dahil manu-mano ang eleksyon ay marami anyang dapat maisaalang-alang upang mabasa ang mga balota tulad ng pagiging lehitimo ng sulat-kamay at ang kalinisan ng balota.

Sa ilalim ng manu-manong sistema ng botohan sa May 14 ay isusulat lamang ng mga botante ang pangalan ng mga kandidato sa mga blankong bahagi ng balota.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.