Malacañan dumistansya sa pagbabalik-trabaho ni CJ Sereno

By Chona Yu May 09, 2018 - 11:30 PM

No comment ang Palasyo ng Malacañan sa pagbabalik-trabaho ngayong araw ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, panloob na usapin ng Supreme Court (SC) ang pagliban ni Sereno sa kanyang trabaho ng dalawang buwan matapos ang kanyang indifinite leave.

“The decision of Chief Justice Ma. Lourdes Sereno to end her indefinite leave and the reported ruling of the quo warranto petition against the Chief Justice are internal matters to the High Court,” ani Roque.

Nagpahinga si Sereno sa kanyang trabaho sa gitna ng kinakaharap na impeachment complaint sa Kongreso at quo warranto petition sa SC.

Ayon kay Roque, kinikilala ng sangay ng ehekutibo ang independence ng hudikatura.

Iginagalang aniya ng Palasyo ang separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan na ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.

“The Executive recognizes judicial independence and respects the separation of powers of the three branches of government, including a functioning judiciary,” dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.