VACC dismayado sa pag-atras ni Duterte sa Presidential election
Makaraang ihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa 2016, hindi na rin boboto pa sa eleksyon ang ilang miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruptions (VACC) dahil sa sobrang pagkadismaya.
Ayon kay VACC National Chairman Dante Jimenez, maraming naiyak sa kanyang miyembro nang sabihin ni Duterte na hindi niya inambisyong maging Pangulo ng bansa.
Paliwanag pa ni Jimenez, pakiramdam ng kanyang mga miyembro ay inabandona sila ng taong sa tingin nila ay kanilang tagapag-ligtas laban sa mga elementong kriminal.
Sinabi rin ni Jimenez na siya mismo ay hindi na boboto pa sa 2016 elections dahil sa kawalan ng pag-asa lalo na sa hanay ng iba pang mga kandidato sa pagka-pangulo.
Hanggang sa ngayon umaasa pa rin ang VACC na magbabago pa rin ang isip ni Duterte hanggang sa huling araw ng filling ng Certificate of Candidacy sa Biyernes kasabay ng apila nito sa anak ng alkalde na si Sarah na ipahiram muna ang kanyang ama sa taumbayan.
Bukod sa VACC, maraming iba pang grupo ang nagpahayag ng pagka-dismaya sa hindi pagtuloy ni Duterte na sumali sa Presidential election
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.