National Security Council dapat pagpulungan ang paglalagay ng missiles ng China sa Spratlys
Sinabi ni Senator Ping Lacson na dapat ng magpatawag ng pulong ang National Security Council kaugnay sa paglalagay ng China ng missile systems sa ilang isla sa Spratlys.
Ayon kay Lacson kung hanggang ngayon ay hindi pa nakukumpirma ng gobyerno ang presensiya ng Chinese missiles may malaking problema na sa seguridad ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Lacson na sinusuportahan niya ang mga panawagan na maimbestigahan sa senado ang unti-unting Chinese militarization sa bahagi ng West Philippine Sea.
Paliwanag nito ang anuman usapin na may kinalaman sa seguridad ng bansa ay dapat silipin ng senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.