Mga kandidato, guro, pulis, lumagda sa peace covenant para sa eleksyon sa Quezon City

By Jong Manlapaz May 09, 2018 - 09:59 AM

Kuha ni Jong Makalalad

Nagsagawa ng covenant signing ang mga lokal na barangay at SK candidates, sa pangunguna ng Quezon City Public School Teachers Association-ACT NCR Union

Ang peace covenant signing ay ginawa sa General Roxas Elementary School, sa Jasmin St., Roxas District, Quezon City.

Kabilang sa dumalo sa peace covenant ang mga kandidato para sa Barangay at SK elections, school administrators at board of election inspectors, teachers, Philippine National Police, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at ang COMELEC.

Kabilang sa tinalakay ang problema sa bilang ng mga guro na magsilbi bilang board of elections.

Ayon kay Rebbeca Kalaw, public school district supervisor, maraming mga guro ang ayaw magsilbi ng mga guro nila dahil sa takot at kadalasan ay nasasampahan pa ng kaso.

Sinabay na rin ng punong guro ng General Roxas Elementary School na ma seminar ang mga guro at kandito sa dapat at hindi dapat gawin para maiwasan ang alitan sa mga guro at mga kandidato.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: comelec, PPCRV, quezon city, Radyo Inquirer, comelec, PPCRV, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.