Mahigit dalawang buwan matapos na magkasyon sa pwesto, balik trabaho na umano si Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno ngayong araw.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source sa loob ng Korte Suprema, tumawag si Sereno kay Acting Chief Justice Antonio Carpio ngayong umaga at nag-abiso itong magrereport sya sa trabaho.
Ang muling pagtuntong ni Sereno sa Korte Suprema ay mangyayari dalawang araw bago ang nakatakdang botohan ng Supreme Court En Banc sa Byernes sa quo warranto case na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.
Matatandaan na si Sereno ay nag-hain ng indefinite leave sa kanyang pwesto umpisa noong March 1, 2018.
Ito ay alinsunod sa naging concensus ng mayorya sa mga mahistrado ng Korte Suprema sa kanilang deliberasyon noong February 27, 2018.
Samantala, kinumpirma naman ng tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao na nasa loob na ng kaniyang opisina ang punong mahistrado.
Dumating siya sa Korte Suprema alas 7:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.