Nag-iimbestiga ngayon ang Philhealth sa tumataas na bilang ng mga Pinoy na nagkakaroon ng pneumonia sa bansa.
Dahil batay sa kanilang datos sa loob ng apat na taon sa kabuuang claims payments number 1 ang pneumonia na dahilan ng confinement ng Philhealth members at dependents.
12 percent ng P42 bilyon na claims payment ay pinambayad sa mga ospital na nagsasabi na may pasyente sila na nagka-pneumonia.
Nagbabala naman ang Philhealth na sisisiguraduhin nilang mapapasara at magbabayad ang mga hospital na nagsasamantala sa pondo ng taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.