37 ang gustong maging pangulo, 7 bilang VP at 25 bilang senador
Nasa ikalawang araw na ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato para sa 2016 elections.
Sa pagsasara ng paghahain ng COC ngayong araw kaninang alas singko ng hapon, inilabas ng Commission of Elections ang opisyal na bilang ng mga kandidato na naghain na ng kanilang kandidatura.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, aabot na sa tatlumpu’t pito ang kandidato sa pagka-presidente, pito sa pagka-bise presidente at dalawampu’t lima naman sa pagka-senador.
Sa nakalipas na maghapon ngayong araw, umabot sa labinglimang kandidato ang nadagdag sa mga naghain ng COC para sa pagka-presidente, apat na kandidato sa pagka-bise president at sampung kandidato naman sa pagka-senador.
Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay bubuhos pa ang mga kandidato na maghahain ng kanilang COC para sa 2016 elections.
Katulad na lamang nina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at ang kanyang runningmate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo pati si Sen. Grace Poe at kanyang runningmate na si Sen. Chiz Escudero ay inaasahan na maghahain ng kanilang COC sa darating na Huwebes, ika-15 ng Oktubre.
Narito ang kumpletong listahan mula sa COMELEC: Para sa Pangulo:
1. Augusto L. Syjuco Jr.
2. Elly V. Pamatong
3. Ephraim B. Defino
4. David T. Almorong
5. Ralph M. Masloff
6. Jejomar C. Binay
7. Camilo L. Sabio
8. Freddiesher E. Llamas
9. Danilo A. Lihaylihay
10. Adolfo S. Inductivo
11. Sel Hope N. Kang
12. M D. Pijao
13. Ramon B. Concepcion
14. Ferdinan R. Fortes
15. Eric A. Negapatan
16. Gerarld B. Arcega
17. Leonardo C. Bula
18. Aljandro M. Ignacio
19. Arsenio T. Dimaya
20. Arturo P. Reyes
21. Rizalito Y. David
22. Esmeraldo B. Reyes
23. Alfredo S. Tindugan
24. Romeo John Ygonia aka Archangel Lucifer
25. Bertrand Joseph M. Winstanley
26. Cornelio R. Sadsad Jr.
27. Marita U. Arilla
28. Medardo G. Manrique
29. Benjamin P. Rivera
30. Virgilio I. Yeban
31. Juanito B. Luna
32. Josephine G. Murillo
33. Luzminda R. Penaranda
34. Michael G. Arqueza
35. Romeo I. Plasquita
36. Allan G. Carreon
37. Leo M. Cadion
Para sa Pangalawang Pangulo
1. Gregorio B. Honasan II
2. Myrna C. Mamon
3. Albert G. Alba
4. Angelito P. Baluga
5. Nid A. Anima
6. Rolando S. Tibayan
7. Ferdinand R. Marcos Jr.
Para sa Senador:
1. Panfilo “Ping” Lacson
2. Angel Redoble
3. Ricky Bacolod
4. Daniel Magtira
5. Victoriano Inte
6. Elmar Santarin
7. Rafael Labindao
8. Jose Kwe
9. Armando Cortes
10. Neri Colmenares
11. Ramon Osano
12. John Odonnell Petalcorin
13. Eduardo dela Peña
14. Melchor Chavez
15. Roberto Antonio Marin
16. Alexander Bautista
17. Ferdinand Martin Romualdez
18. Victor M. Quijano
19. Godofredo Arquiza
20. Rolando Merano
21. Samuel Pagdilao
22. Rodel Navarro
23. Ali Fatima Shariff
24. Edwin Salve
25. Raul Barbasa
Nagpaalala ang COMELEC na hanggang sa Biyernes, Oktubre 16 na lamang ang itinakdang araw para makapaghain ng certificate of candidacy ang mga nais kumandidato sa nalalapit na halalan 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.