Unang linggo ng Boracay closure, generally peaceful ayon sa PNP

By Justinne Punsalang May 09, 2018 - 04:26 AM

Generally peaceful at orderly.

Ganito inilarawan ni Chief Inspector Terrence Paul Sta. Ana na siyang Information and Action Center commander ng Metro Boracay Police Task Force ang unang linggo ng pagsasara ng isla ng Boracay para sa rehabilitasyon nito.

Aniya, maayos ang Jetty Port at wala rin silang naitalang naganap na krimen sa lugar.

Nasa 600 mga pulis mula sa Metro Boracay Police Task Force ang kasalukuyang nakakalat sa isla upang mapanatili ang kapayapaan at matiyak ang seguridad ng mga nagsasagawa ng cleanup drive at rehabilitasyon dito.

Batay sa monitoring ng nasabing task force, nasa 2,000 hanggang 2,500 na mga tao ang kasalukuyang nasa isla at tumutulong sa paglilinis nito.

Hindi lamang sa mga entry points ng isla nakabantay ang mga otoridad. Maging sa baybaying dagat ay may mga nagbabantay para matiyak na walang maliligo sa beach.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.