NAMFREL, nanawagan para sa mga volunteers sa Barangay at SK elections
Nananawagan ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) para sa mga nais mag-volunteer para sa magaganap na May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa isang advisory, sinabi ng NAMFREL na ang mga volunteers ay mag-ooberba sa kabuuang proseso ng eleksyon mula kampanya hanggang canvassing of votes sa kani-kanilang mga lugar kung saan sila nakarehistro.
Ang NAMFREL kasama ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang ang accredited citizens’ arms ng Commission on Elections (Comelec) para sa magaganap na halalan.
Samantala, hinimok din ng NAMFREL ang mga nagnanais na mag-volunteer na maging non-partisan sa buong election season.
Ang aplikasyon para maging volunteer ay magtatagal hanggang bukas, May 10 araw ng Huwebes at kinakailangan lamang na magrehistro online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.