DZMM inalisan ng accreditation, mga mamamahayag pinagsabihan ng Comelec

By Jan Escosio October 13, 2015 - 04:49 PM

Comelec james
Inquirer file photo

Nagsimula nang maghigpit ang Comelec sa mga accredited media members na nagko-cover sa filing ng Certificate of Candidacy sa punong tanggapan ng komisyon sa Intramuros sa Maynila.

Nauwi kasi sa tulakan at sigawan sa pag-uunahang makakuha ng magandang anggulo nang magsumite ng kanyang COC kanina si Sen. Bongbong Marcos na kandidato bilang pangalawang pangulo.

Nag-unahan ang ilang mga kagawad ng media na makapasok sa holding area kung saan ipinasok ng mga Comelec official si Marcos habang kinakausap na bumalik sa kanilang mga designated areas ang mga kasapi ng media.

Habang nasa loob ng silid ay may nagpatay pa ng ilaw bagay na lalong ikinapikon ng mga opisyal ng Comelec.

Hindi rin nagustuhan ang Comelec ang ginawang pagpasok ng isang reporter ng DZMM sa mismong loob ng filing area kung saan ay dun pa ininterview si Marcos.

Naaktuhan nina Comelec Chairman Andres Bautista at spokesman James Jimenez ang pangyayari kaya’t kaagad na ipinag-utos ang kanselasyon ng media accreditation ng DZMM.

Pina-alis din ng mga opisyal ng Comelec ang kanilang “set-up” area sa mismong bukana ng filing area.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang mga opisyal ng nasabing radio station kasabay ang pagsasabing aayusin na nila ang kanilang hanay.

Muli namang ipinaalala ng Comelec sa mga nagko-cover na kasapi ng media sa filing ng COC na panatilihin ang kaayusan para hindi mabalam ang paunang proseso ng eleksyon.

TAGS: 2016, comelec, dzmm, media, 2016, comelec, dzmm, media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.