CJ Sereno nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto
“Para sa mga duwag.”
Ito ang naging pahayag ni Chief Justice-on leave Maria Lourdes Sereno tungkol sa mga panawagang magbitiw siya sa pwesto.
Ayon sa punong mahistrado, ang pagbibitiw sa pwesto ay walang katuturan at para lamang sa mga duwag.
Kailangan anya ng isang bayan ng magigiting na bayani.
Ang pahayag na ito ni Sereno ay kanyang sagot sa nagpapatuloy na pawagan ng ilang opisyal at empleyado ng Korte Suprema na magbitiw siya sa pwesto.
Samantala, wala pa rin anya siyang planong tumakbo sa pagka-Senador sa darating na 2019 elections.
Gayunman, anuman anya ang kahinatnan ng quo warranto petition na isinampa sa kanya ay hindi niya isinasara ang pintuan na kanyang pagsilbihan ang bayan.
Anya, ang desisyon sa naturang petisyon ay nakabatay sa batas, sa tamang proseso at itinatakda mismo ng Konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.