Prize freeze, ipinatupad sa Boracay

By Rhommel Balasbas May 09, 2018 - 04:15 AM

Nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Boracay Island.

Ayon kay DTI Region 6 Director Rebecca Rascon, ang price control ay awtomatikong ipinatutupad kasunod ng deklarasyon ng state of calamity.

Matatandaang nasa ilalim na ng state of calamity ang Baranggay Balabag, Baranggay Manoc-Manoc at Baranggay Yapak.

Tiniyak ni DTI Regional 6 Consumer Protection Division Chief Felisa Judith Degala sa DTI-Aklan Provincial Office na patuloy nilang binabantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa lugar.

Ang presyo ng mga produkto ay ang mga presyo pa rin matapos ipatupad ang state of calamity.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.