Magkapatid na Tulfo mas makabubuting magbitiw sa programa sa PTV-4 — Sen. Pangilinan

By Len Montaño May 09, 2018 - 01:39 AM

Umaasa si Senador Kiko Pangilinan na kusa nang magbibitiw sa kanilang programa sa PTV-4 ang mga kapatid ni dating Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Teo bilang kalihim ng DOT sa gitna ng kontrobersyal na P60 million na advertisement ng ahensya sa kumpanya ng kanyang mga kapatid.

Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang DOT ad sa PTV-4 program na pino-produce ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo kung saan co-host ang isa pang kapatid na si Erwin.

Ayon kay Pangilinan, hindi naman kailangan na matanggal pa ng programa pero dahil government station ang PTV-4, mas mabuti na boluntaryo nang magbitiw sina Ben at Erwin Tulfo sa istasyon bilang mga producer at anchor.

Samantala, sinabi ni Senador Bam Aquino na dapat magpaliwanag ang PTV-4 dahil bilang blocktime program, ang mga kapatid ni Teo ang dapat magbayad sa network pero baligtad aniya ang nangyari dahil ang istasyon pa ang nagbayad sa mga Tulfo.

Si Senador Nancy Binay naman ay naghain na ng resolusyon para imbestigahan ang kontrobersya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.