Train Law pinahihinto ni Senador JV Ejercito

By Jan Escosio May 08, 2018 - 11:43 PM

Kumbinsido na rin si Senador JV Ejercito na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga serbisyo at bilihin ay ang ipinatutupad na Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Ejercito mas makakabuting ikunsidera muna ang suspensyon nang pagpapatupad ng tax reform package ng administrasyong Duterte kung patuloy na tumataas ang inflation rate sa bansa.

Aniya naalarma na siya nang umabot sa 4.3% ang inflation rate noong Marso at sumirit pa ito sa 4.5% noong nakaraang buwan.

Banggit pa ni Ejercito, nang tinatalakay sa Senado ang TRAIN Law, tiniyak ng Department of Finance (DOF) at National Economic Development Authority (NEDA) na ang itataas lang ng inflation rate ay wala pang isang porsiyento ngayon taon at ang inflation rate ay pinakamataas na sa 4%.

Sinabi pa ng senador na nangyayari na ang kinakatakutan niyang epekto ng TRAIN sa katuwiran na nilalamon ng mataas na halaga ng mga bilihin ang pagtaas sa suweldo ng mga manggagawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.