Ako lang ang siga dito sa Bilibid — BuCor Chief Bato Dela Rosa

By Justinne Punsalang May 08, 2018 - 01:27 AM

Binantaan ni bagong Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ronald Dela Rosa ang mga high-profile inmates ng New Bilibid Prison (NBP) na ang mga patakaran niya ang masusunod.

Ito ang naging pahayag ni Dela Rosa sa kanyang unang araw sa panunungkulan bilang hepe ng BuCor.

Aniya, hindi siya magpapasilaw sa pera ng mga drug lords na nasa Building 14 ng maximum security compound ng Bilibid.

Kasabay nito ay sinabihan niya rin ang kanyang mga makakasama sa panunungkulan na hindi sila dapat matakot sa mga drug lords.

Aniya, mas makapangyarihan sila sa mga drug lord dahil nakakulong na ang mga ito.

Samantala, hinimok naman ni Dela Rosa ang mga tauhan ng BuCor na duwag na magbitiw na lamang sa pwesto.

Ayon dito, lilinisin niya ang BuCor mula sa mga tiwali at sangkot sa iligal na droga, kagaya ng ginawa niya sa kanyang panunungkulan bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.