Lahat ng cabinet secretaries ipinatawag sa pulong sa Malacañang

By Chona Yu May 07, 2018 - 03:43 PM

Inquirer file photo

Pinadadalo pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kanyang gabinete sa cabinet meeting mamayang alas kwatro ng hapon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala namang miyembro ng gabinete ang pinagbawalan na dumalo sa 25th cabinet meeting.

Kabilang din aniya sa pinadadalo ng pangulo si Tourism Secretary Wanda Teo, ito ay sa kabila ng pagkakadawit ng opisyal sa kontrobersiyal na P60 Million na kontrata na pinasok ng DOT sa Bitag Media Unlimited Inc. ng kanyang kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.

Maging si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ay inaasahan din aniyang dadalo sa cabinet meeting.

Sa kabila naman ito ng panawagan ng nagpakilalang career diplomat na magbitiw na si Cayetano dahil sa ginawang rescue operation sa ilang Pinoy workers sa bansang Kuwait.

Ayon kay Roque, ilan sa mga agenda na tatalakayin sa cabinet meeting ang lalamanin ng state of the nation address ng pangulong Duterte sa Hulyo, usapin sa Dengvaxia vaccine at first batch ng senior high school students.

Sa pagkakaalam ni Roque, wala sa agenda mamaya ang usapin sa missile system ng China sa West Philippine Sea.

TAGS: cabinet meeting, Cayetano, China, duterte, Malacañang, Roque, Wanda Teo, cabinet meeting, Cayetano, China, duterte, Malacañang, Roque, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.