Justice Teresita De Castro, nominado bilang susunod na Ombudsman
Nominado si Associate Justice Teresita De Castro sa pagiging susunod na ombudsman sa pagtatapos ng pitong taong termino ni Ombudsman Conchita Caprio-Morales.
Si retired associate justice Arturo Brion ang nag-nominate kay De Castro.
Sa liham ni Brion sa Judicial and Bar Council, isinaad niya na kwalipikado si De Castro na may halos 19 siyam na taon na ang karanasan sa prosecutorial service, at mahigit 10 taon sa Sanduganbayan.
Dagdag niya, mahigit isang dekada na rin ang karanasan ng mahistrado sa Korte Suprema.
Hinihintay pa ang tugon ni De Castro kung tatanggapin o tatanggihan ang nominasyon.
Matantandaang tumetstigo ang mahistrado sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nakatakdang magretiro sa KOrte Suprema si De Castro sa Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.