Nasawi sa war on drugs ng pamahalaan, umabot na sa 4,251
Umakyat pa ang bilang ng mga drug personalities na napatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan.
Sa presentayon ng Real Numbers sa Camp Crame, sinabi ng Philippine National Police (PNP) kasama ang Presidential Communication Operations Office na mula July 1, 2016 hanggang Apri 30, 2018 ay umabot na sa 98,799 ang naikasa na operasyon laban sa mga drug suspects.
Nagresulta ito sa pagkakasawi ng 4,251 na indibidwal habang 142,069 naman ang naaresto.
Pagmamalaki ni PNP Chief Oscar Albayalde, malaki ang epekto sa ‘peace and order’ ng bansa ang war on drugs at sa katunayan nga ay bumaba ang crime volume dahil dito.
Dagdag pa niya, kumonti na ang mga street pusher sa kalsada dahil nabawasan na rin ang mga pinagkukuhanan nila ng mga iligal na droga.
Base sa datos, sa magdadalawang taon nang kampanya, nasa 2,676 na ang kabuuang kilo ng shabu na nasabat ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P13.81 Billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.