Ibat-ibang religious groups hinikayat ng Malakanyang na magsagawa rin ng charity works

By Chona Yu May 07, 2018 - 07:55 AM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Humihirit ang Malakanyang sa ibat-ibang religious groups maging sa local government units, civic groups at iba pang organisasyon sa bansa na tumulong sa pagsasagawa ng charity programs para makatulong sa mga mahihirap.

Pahayag ito ng Palasyo matapos ang worldwide walk to fight poverty na isinagawa kahapon ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ayon kay Special Assistant to the President Sec. Bong Go bagamat may ayuda na ang gobyerno marami pa ring mga Pinoy ang nakararanas ng paghihirap.

Kahapon ay nakiisa si Go sa ikalawang worldwide walk to fight poverty ng INC.

Ayon kay Go nakabibilib ang pagkakaisa ng mga taga INC hindi lamang tuwing may halalan kundi maging sa mga aktibidad na naglalayong makatulong sa kapwa.

Pagpapakita anya ito sa malalim at solidong pananampalataya ng mga taga INC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, INC, Malacanan Palace, bong go, INC, Malacanan Palace

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.