Prayer vigil ng mga taga-suporta ni CJ Sereno, nagpapatuloy

By Rhommel Balasbas May 07, 2018 - 03:52 AM

Nagpapatuloy ang 11 araw na prayer vigil ng mga tagasuporta ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang homilya kahapon, nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na manindigan ang publiko laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema na umano’y ginagamit ang kapangyarihan upang paglaruan ang batas.

Ito ay bilang pagtutol pa rin ng mga tagasuporta ng Chief Justice sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Ani Pabillo, ang mga mahistrado dapat ang nagpapatupad ng batas ngunit ang mga ito pa ang tila naglalaro rito at hindi anya ito tama.

Dapat anyang magsalita ang mga mamamayan laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at sinabing ang paglaban para sa katarungan ay pagmamahal sa bayan.

Samantala, ininsensohan naman at binasbasan ng mga paring sina Fr. Robert Reyes, Fr. Atilano Fajardo at Fr. Joselito Sarabia ang harapan at gates ng Korte Suprema na tila ay nagpapalayas ng mga masamang espiritu.

Nakakalap ang mga tagasuporta ni Sereno ng 16,000 na lagda at dumulog mismo sa Korte Suprema para ibasura ang petisyon.

Ang naturang vigil ay ipagpapatuloy hanggang sa araw na sinasabing ilalabas ang desisyon tungkol sa quo warranto petition laban kay Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.