Aksyon ng DFA na pagsagip sa mga OFW sa Kuwait dapat suportahan ng publiko — Castelo

By Erwin Aguilon May 07, 2018 - 03:38 AM

Iginiit ni House Committee on OFWs Vice Chairman Winston Castelo na sa halip na batikusin ay dapat suportahan ng taumbayan lalo na ng nasa gobyerno ang naging hakbang ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na wakasan na ang pang aabuso sa mga kababayan natin sa Kuwait sa pamamagitan ng direktang pagsagip sa mga ito sa kamay ng kanilang mga abusadong employer.

Sinabi ito ni Castelo sa harap ng mga panawagan na magbitiw sa pwesto si Cayetano dahil sa paghawak ng krisis sa Kuwait.

Paliwanag ni Castelo, nakamonitor ang Kuwaiti Govenment sa mga pangyayari sa bansa matapos ang kontrobersiyal na pagsagip mga inabusong OFW.

Nakalulungkot anya na sa halip na papurihan ang DFA sa maagap na aksyon ay sila pa ang nababatikos at mismong mga Filipino pa ang gumagawa nito.

Hindi umano matatapos ang pang aabuso sa mga OFWs sa ibayong dagat kung ang mismong hakbang na ginagawa ng DFA para tulungan ang mga naabusong manggagawa ay papasukan ng intriga.

Dagdag pa nito na importanteng maipakita sa Kuwait ang pagkakaisa ng bansa para sa pagbibigay proteksyon sa mga OFWs at hindi ang pagkakawatak-watak.

Batay sa datos ng OWWA lumilitaw na 196 Pinoy ang nasawi sa Kuwait mula noong 2016 kung saan 79% sa mga ito ay sanhi ng physical abuse habang ang Philippine Embassy sa Kuwait ay nakapagtala ng 6,000 na kaso ng pang aabuso mula noong 2017 kabilang dito ang sexual abuse at rape.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.