INC naitala ang dalawa pang Guinness world records
Sa loob lamang ng isang araw ay naitala ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ikalawa nitong world record, kasabay ng kanilang isinagawang Worldwide Walk to Fight Poverty, noong Linggo, May 6 sa Roxas Boulevard, Maynila.
Ayon kay Guinness adjudicator Lucia Sinigagliesi, nakuha ng INC ang ‘largest picture formed by people’ o largest human mosaic sa tulong ng 9,000 miyembro nito.
Binuo ng mga miyembro ng INC ang imahe ng kanilang bandila.
Naunang naitala ang naturang record ng Abeer Medical Group sa Saudi Arabia noong Noveber 14, 2017 matapos nitong bumuo ng human picture mosaic upang ipagdiwang ang world diabetes day. 4,500 ang kabuuang bilang ng lumahok dito.
Samantala, ikatlong Guinness world record naman ang naitala ng INC matapos nilang mapataob ang nauna nilang record para sa ‘largest charity walk in one venue’ sa loob ng kaparehong araw.
Sa kabuuan, 238,171 ang mga miyembro ng INC na sumali sa kanilang Worldwide Walk to Fight Poverty.
2014 nang unang makuha ng INC ang naturang record, kung saan 175,509 ang kalahok sa kanilang Worldwide Walk.
Dalawang world record pa ang kasalukuyang biniberipika ng Guinness kaugnay sa event na ginawa ng INC. Ito ay para sa ‘largest charity walk in multiple venues,’ at ‘the most nationalities in acharity walk.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.