Libu-libong residente sa Hawaii, lumikas dahil sa posibleng muling pagsabog ng Kilauea volcano
Libu-libong residente ang lumikas matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Leilani Estates, Hawaii.
Matapos kasi ang pagyanig, gumuho ang isang coastal cliff at naramdaman ang ilang pagsabog ng Kilauea volcano.
Umabot ang ibinugang lava ng naturang bulkan sa ilang residential areas sa lugar.
Gayunman, wala namang napaulat na nasugatan ngunit nasira ang ilang bahay sa lugar.
Nagkaroon ng pagbabago sa sea level ngunit batay sa ulat, wala ring inaasahang tsunami sa lugar.
Matatandaang tumama ang lindol noong Biyernes dakong 12:32 PM, oras sa Hawaii, matapos maramdaman ang ilang pagyanig sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.