Magnitude 4.5 na lindol, yumanig sa Maguindanao
By Rhommel Balasbas May 06, 2018 - 06:12 AM
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Maguindanao alas-5:27 kaninang umaga.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometro sa bayan ng Upi, Maguindanao.
May lalim ang pagyanig na 627 kilometro at tectonic ang dahilan.
Hindi naman inaasahan ang pinsala at kasunod na mga pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.