Dating OFW, pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa pagpatay sa kapwa Pinoy sa South Korea

By Marilyn Montaño May 06, 2018 - 03:25 AM

Tinutugis ang isang dating Overseas Filipino worker dahil sa pag-pagpatay sa isang kapwa pinoy na ang bangkay ay natagpuan sa isang septic tank sa South Korea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pinatay na pilipino, na ang kalansay ay nakita sa septic tank sa isang pabrika sa South Korea noong Abril ay naiulat na nawawala dalawang taon na ang nakalipas.

Sinabi ng ahensya na kilala na ng South Korean authorities ang pinoy na responsable sa pagkamatay ng kanyang kababayan.

Hiniling umano ng mga otoridad sa Philippine National Police at sa Interpol na tugisin ang pinoy na suspek.

Ang biktima ay dumating sa South Korea noong 2016 at nagtrabaho sa pabrika hanggang ito ay mawala.

Hindi naman inilabas ng DFA ang pangalan ng biktima na positibong kinilala sa pamamagitan ng DNA testing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.