Update: Niyanig ng malakas na lindol ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.
Sa initial advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), natagpuan ang epicenter ng lindol sa Kanlurang bahagi ng Pandan, Catanduanes.
Naitala ang lakas ng pagyanig sa magnitude 6 at may lalim na 46 kilometers ayon pa rin sa seismic monitoring ng Philvocs.
Wala pang inisyal na ulat kung may mga napinsala ang pagyanig na tectonic ang origin.
Gayunman, nagbabala ang mga otoridad na asahan ang mga aftershocks dulot ng naganap na lindol.
Naramdaman rin ang pagyanig base sa mga seismic instruments ng Philvocs sa lakas na intensity 4 sa Legazpi City; Iriga City; Jose Panganiban, Camarines Norte at Alabat, Quezon
Sa tala ng Philvocs, naramdaman sa lakas na Intensity 3 sa Guinayangan, Lopez and Infanta, Quezon; Sorsogon City at Marikina City.
Naitala naman ang Intensity 2 sa Lucban, Quezon; Quezon City; Masbate, Masbate; Mauban, Quezon, Catbalogan, Samar; Cabanatuan City at Palo, Leyte.
Samantalang Intensity 1 naman sa Tagaytay City, Lucena and Dolores, Quezon; Malabon City; San Ildefonso, Bulacan at Guagua, Pampanga.
Sa Metro Manila ay maraming mga netizen ang nagsabi sa pamamagitan ng kanilang posts sa social media na naramdaman rin ang malakas na pagyanig dulot ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.