State of calamity idineklara sa bayan ng Balanga sa Bataan dahill sa tatlong araw nang sunog sa isang mall

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 04, 2018 - 08:13 AM

Metro Bataan Development Authority Photo

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Balanga sa lalawigan ng Bataan dahil sa nagpapatuloy pa ring sunog sa isang mall doon na nagsimula noon pang Martes.

Tatlong araw nang nasusunog ang mall at under control pa lang ang deklarasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Tumutulong na sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero mula sa labingisa pang bayan sa Bataan.

Pinakaapektado ng sunog ang ikalawa at ikatlong palapag ng mall kung saan naroroon ang department store ng Robinson’s mall.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Balanga, bataan, fire incident, mall, State of Calamity, Balanga, bataan, fire incident, mall, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.