9 na miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Basilan

By Donabelle Dominguez-Cargullo May 04, 2018 - 06:48 AM

Siyam na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi sa pag-atake ng militar sa kanilang kuta sa Barangay Mahatalang, Sumisip, Basilan.

Sa ulat mula sa 4th Special Forces Battalion ng Philippine Army, sa nasabing pagsalakay, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 3rd Scout Ranger Battalion ang mga bandido na pawang tagasunod ni Furuji Indama.

Nagpadala pa ng air support ang 3rd Tactical Operations Wing ng Philippine Air Force sa mga sundalo at umalalay ang F/A 50 jets, habang tumulong din at nagsagawa ng mortar fire ang mga tauhan ng 8th Field Artillery Battalion.

Dahil sa nasabing pag-atake nasawi ang siyam na bandido at nasabat ang dalawang mataas na kalibre ng baril, M-203 grenade launcher, medical supplies, at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

Ayon kay Brig. Gen. Juvy Max Uy, commander ng Joint Task Force Basilan, ang mga dating miyembro ng ASG na sumuko sa gobyerno ang tumulong para matukoy ng militar ang kinaroroonan ng mga tagasunod ni Indama.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: abu sayyaf group, Furuji Indama, Radyo Inquirer, sumisip basilan, abu sayyaf group, Furuji Indama, Radyo Inquirer, sumisip basilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.