US binalaan ang China sa militarisasyon sa South China Sea
Naglabas ng babala ang Estados Unidos sa mga parusang maaring kaharapin ng China sa patuloy na militarisasyon sa South China Sea.
Ayon kay Press Secretary Sarah Sanders, alam ng White House ang ginagawang military build up sa nasabing isla.
Sinabi ni Sanders na ipinarating na nila ang concern nila sa isyu at sinabihan ang China na maaring mauroong near-term at long-term consequences ang kanilang ginagawa.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ng Pentagon naghain umano sila ng diplomatic complaint sa Beijing.
Ayon kay Dana White, tagapagsalita ng Pentagon, may mga insidente nitong nagdaang mga linggo kung saan tinutukan ng military laser pointers ng China ang mga piloto ng US sa base ng Amerika sa Djibouti.
Sinabi ni White na hiniling nila sa Beijing na imbestigahan ang nasabing mga insidente.
Isa sa mga insidente aniya ay dalawang piloto ng US C-130 cargo plane ang nagtamo ng eye injuries dahil sa pagtutok sa kanila ng military laser pointers ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.