Singil sa kuryente ng Meralco, tataas na naman ngayong Mayo

By Rhommel Balasbas May 04, 2018 - 05:31 AM

Posibleng magkaroon ng pagtaaas sa singil ng kuryente para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Meralco, ito ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng natural gas sa pandaigdigang merkado.

Iginiit ng kumpanya na natural gas ang nagpapatakbo sa tatlong malalaking planta ng kuryente sa Luzon.

Dahil sa mahal ng presyong ipinapataw ng supplier ng Meralco ay maipapasa ito sa mga consumer sa pamamagitan ng taas-singil sa kuryente.

Samantala, sinabi naman ng Meralco na hindi masyadong malaki ang itataas sa singil ng kuryente at may tyansa pang manatili ito sa kasalukuyang presyo.

Kung magkakataon ay ito na ang ikaapat na sunod na buwan na dagdag singil sa kuryente ng Meralco na nagsimula noong Pebrero.

Itinuturong dahilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa pandaigdigang pamilihan at supplier mismong ng electric company.

TAGS: Mayo, Meralco, taas singil, Mayo, Meralco, taas singil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.