Pangulong Duterte, nasa cover ng Time Magazine; tinaguriang isa sa ‘strongmen’
Muling naitampok sa sikat na Time Magazine si Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, sa pagkakataong ito ay kasama ng pangulo sa cover ng magazine at pinakatampok na istorya sina Hungarian Prime Minister Viktor Orban, Turkish President Recep Tayyip at Russian President Vladimir Putin.
Tinawag ang apat na ‘strongmen’ sa mundo ng global politics.
Sa artikulong isinulat ni Ian Bremmer, isinalaysay nito ang pag-usbong ng ‘populism’ hindi lamang sa Estados Unidos kundi sa buong mundo.
Ang tinagurian niyang ‘strongmen’ ay ang umano’y mga ‘populists’ na nangakong poprotektahan ang mga tao sa hindi niya tinukoy na grupo.
“In every region of the world, changing times have boosted public demand for more muscular, assertive leadership. These tough-talking populists promise to protect ‘us’ from ‘them’,” ani Bremmer.
Inilarawan sa lathalain si Duterte bilang isang dating alkalde na animo’y kung magsalita ay isang ‘mob boss’ kaysa sa isang pangulo; at may pangakong tuldukan ang kalakaran ng iligal na droga sa pamamagitan ng kanyang sariling paraan ng hustiya.
“In the Philippines, a rising tide of violent street crime helped elect Rodrigo Duterte, a former mayor who talked more like a Mob boss than a President, on his promises to wipe out the drug trade with his own brand of justice,” ayon sa article.
Ayon pa sa artikulo, tayo ngayon ay nasa ‘strongman era’ na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.