26 sugatan sa pagsalpok ng bus sa puno sa Bulacan

By Rhommel Balasbas May 04, 2018 - 04:03 AM

Courtesy of Sheena Velga

Sugatan ang 26 na pasahero makaraang sumalpok sa puno ang isang pampasaherong bus sa isang padausdos na kalsada sa Brgy. Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan, Huwebes ng gabi.

Wasak na wasak ang harapan ng bus dahil sa lakas ng impact.

Biyaheng Sapang Palay Baclaran ang naaksidenteng bus at pagmamay-ari ng Mayami Trans.

Ayon sa isa sa mga pasahero, ipinaalam sa kanila ng driver na kinilalang si Jovet Villegas, 27 anyos na nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan.

Nag-abiso ang driver sa mga pasahero na kumapit nang mahigpit at ibabangga niya ito.

Bunsod nito, nagtamo ng sugat at pawang duguan ang mga ulo at mukha ng mga pasahero.

Bago bumangga ay kumalas na ang driver sa manibela at kumapit na lang din nang mahigpit.

Naisugod na ang mga nasugatan sa Sapang Palay Disctrict Medical Center habang hawak na ng pulisya ang driver.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.