Binawian ng buhay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa isang ramen house sa Filmore St. Brgy. Palanan, Makati City.
Batay sa inisyal na impormasyon, nakilala ang biktima na si Mark de Jesus, 37 anyos at pamangkin umano ng may-ari ng kainan ayon sa Makati Police.
Napag-alamang ang naturang ramen house ay naholdap na rin noong Huwebes Santo kung saan natangay ang walong cellphone at P8,000 halaga ng pera.
Hindi naman nahabol pa ang mga suspek na bumaril kay de Jesus na agad tumakas at tumungo sa hindi na matukoy na direksyon.
Samantala, sisilipin ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV ng baranggay upang makatulong sa pagresolba sa krimen.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaril kay de Jesus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.