Target sa buwan ng Abril nahigitan ng Bureau of Customs
Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) nang 2% ang target na kita nito sa buwan ng Abril.
Ayon sa BOC, nakakolekta ito ng P47.4 Billion noong nakaraang buwan.
Mas mataas ito nang halos P1 Billion sa target ng ahensya na P46.5 Billion.
Mas mataas din ito nang 50.4% sa parehong panahon noong 2017.
Bunsod ito ng pagpapatupad ng mas maayos na valuation at tariff classification.
Kumpyansa naman si BOC Commissioner Isidro Lapeña na magpapatuloy ito hanggang sa matapos ang taon.
Ayon sa BOC, pinalakas din ng mas mataas na presyo ng petrolyo at paghina ng piso kontra dolyar ang koleksyon ng ahensya.
Magugunitang isa ang BOC sa itinuturing na pinaka-kurap na ahensiya ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.