Seguridad ng mga guro sa Barangay at SK elections tiniyak ng PNP
Pangangalagaan ng Philippine National Police ang kaligtasan ng mga guro at iba pang personnel na magsisilbi sa nalalapit na Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng ilang mga magmamando sa eleksyon na nasa watchlist areas o tinatawag na election hotspots.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, kasado na ng PNP ang segurirad sa halalan at kanyang tinitiyak na magiging maayos ito at ligtas sa kaguluhan.
Nabatid na aabot sa 5,744 na mga Baranggay sa iba´t ibang panig ng bansa ang pasok sa election watchlist.
Sa talaan ng kanilang Directorate for Intelligence, mahigit na 2,000 na Baranggay dito ay mula sa Region 1, mahigit 3,400 na Baranggay sa Region 2, at 271 na Baranggay sa Region 3.
Dagdag pa ni Bulalacao, mahalaga ang papel ng mga guro sa eleksyon kung kaya’t nararapat lang na ibigay sa kanila ang nararapat na proteksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.