Comelec may paalala sa mga botante para sa nalalapit na Brgy. at SK elections
Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na ingatan nang maigi ang kani-kanilang mga balota para hindi masayang ang kanilang boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ilan sa mga pagkakamaling kanilang naobserbahan sa simulation ang pagsulat ng pangalan ng mga kandidato sa SK sa mga balota para sa barangay o kaya naman ay baligtad.
Sinabi ni Jimenez na dapat siguruhin ng mga botante na tama ang balotang pagsusulatan nila ng pangalan.
Ang mga balota para sa SK ay pula ang imprenta habang itim naman ang mga balota para sa barangay.
Nakatakda ang barangay at SK elections sa May 14, habang bukas, May 4, aarangkada ang election period at magtatapos sa May 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.