Dalawang pro-OFW bills ihihirit na iprayoridad ng senado

By Jan Escosio May 03, 2018 - 09:25 AM

Hihilingin ni Senator JV Ejercito sa mga kapwa niya senador na gawin prayoridad ang dalawa niyang panukala na layong mabigyang tulong ang mga distressed OFWs.

Sinabi ni Ejercito na layon ng inihain niyang Senate Bill No 157 na maayendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Ito aniya ay para magamit ang Legal Assistance Fund para tulungan ang OFW na may kaso na ang katapat na kaparusahan na kamatayan o habambuhay na pagkabillango.

Sa ngayon ang naturang pondo ay maaring gamitin lang sa pagkuha ng mga banyagang abogado na magtatanggol sa OFW.

Samantala ang kanyang Senate Bill No 1858 ay para sa pagbuo ng Special Assistance Fund for OFWs na gagamitin sa pagtulong sa lahat ng gastusin ng mga distressed OFWs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: JV Ejercito, OFWs, Radyo Inquirer, Senate Bill, JV Ejercito, OFWs, Radyo Inquirer, Senate Bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.