15 election related violence incidents, naitala ng PNP
Mahigit dalawang linggo bago mag-Barangay at Sangguniang Kabataan elections, umabot na sa labing 15 election related violence incidents ang naitatala ng Philippine National Police.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang naturang bilang ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at patuloy pa nilang vina-validate kung may kaugnayan nga ba talaga sa pulitika.
Oras kasi na mapatunayan na may barangay officials na sangkot sa insidente ay bagsak na agad ito sa kategorya ng election related violance.
Hindi pa naman matukoy ngayon ng PNP kung ilan ang nasawi sa 15 insidente ng karahasan na kanilang na-monitor.
Ang bilang ng mga insidenteng ito ay naitala ngayon election period o simula noong April 14, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.